right_katarungan_specialrepot4
THE LAND BELONGS TO THOSE WHO GAVE IT LIFE
September 17, 2015
easternvisayas_katarungan5
ATM: Pagsasanay ng mga Lider Organizer.
November 5, 2016

SEPTEMBER 22, 2015

Kami ang mga lider kinatawan ng mga asosasyon ng mga parag-uma sa mga munisipalidad ng Alangalang, Barugo, Carigara, San Miguel at Ormoc.

 

Kami ngayon ay nandito at nagkampo sa harap ng Department of Agrarian Reform Regional Office upang ipaalala ang mga nakabinbin na pangako ng ahensiya sa amin. Maraming dayalogo na ang nangyari, maraming pangako ang binitiwan. Nguni’t sa bawa’t dayalogong iyan ay may kasabay na panahon ng pananahimik ang DAR. Hindi nagtutuloy tuloy ang pagresolba sa aming mga isyu sa lupa. Kung kaya’t maya’t maya din ay kinakailangan naming ipaalala sa kanila na ang rehabilitasyon at mga bulig na aming tinatanggap ay walang saysay at panandalian lamang kung wala sa aming mga parag-uma ang kontrol at akses sa aming mga lupa.

 

Bahagi nang aming hinihingi ay ang paglalabas ng mga rehistrado nang CLOA sa aming mga parag-uma. Ayon mismo sa DAR, ang bilang ng mga Undistributed CLOA sa mga munisipyong nabanggit ay nasa 3,552 sakop ang 7,583 hektaryang lupa. Ang CLOA ang dokumentong nagpapatunay ng aming pag-aari sa aming mga lupa na iginawad sa amin ayon sa batas ng Repormang Agraryo. Ito din ang mga dokumentong kinailangan namin matapos ang bagyong Yolanda upang kami ay maka-akses ng mga tulong kagaya ng shelter assistance, livelihood at iba pa, mula sa iba’t ibang sangay ng gobyerno, humanitarian aid agencies, at iba pang grupo. Ipinagkait sa amin ang pagkakataong makakuha ng tulong dahil wala ang CLOA. Bahagi ng napag-usapan sa isang dayalogo ay ang tumulong kami sa pag validate ng listahan. Tumulong kami, nguni’t magpahanggang ngayon, wala pang 100 ang nasa listahan ng ire release. An gaming panawagan: IPAMAHAGI na ang aming mga CLOA bago matapos ang taong 2015!

 

Bahagi din ng aming dinulog ang mga mapang-aping kalakaran sa maraming bayan ng Leyte kaugnay sa paghingi pa ng shares ng mga dating land owners sa mga may hawak ng EP/CLOA. Hindi kinikilala ang instrumentong hawak na ng mga tunay na nagmamay-ari ng lupa, at ito ay dahil na rin sa kawalan ng suporta ng DAR sa pamamahagi ng kaalaman sa mga parag-uma sa kanilang karapatan bilang tunay na nagmamay-ari. Sangkot na rin dito ang kawalan ng pag abiso, pagpapaalala at pag monitor ng DAR sa mga dating land owners. Ngayon, hindi lamang wala nang respeto, ang isa sa dating land owner ay inuutusan pa ang mga EP Holder na isauli ang kanilang ibinayad sa Land Bank of the Philippines dahil ang lupa daw ay kanila nang ibebenta. Ang aming tindig: TIGIL PLETE!

 

Kasama ang usapin ng pag-agaw ng lupa katulad na lamang sa area ng LSBDA (Leyte Sab-A Basin Development Authority) at iba pang mga interior na barangay sa kabuuan ng Leyte. Maraming taon at buhay ang nalagas sa Alangalang dahil ang DAR ay nagbulag-bulagan at inupuan ang mga hinaing ng mga parag-uma. Simula nang nasunog ang Registry of Deeds, ngayon lamang muli aaksyunan ng ahensiya ang pagreconstitute ng mga titulo upang makapaglabas na ng mga CLOA. Ang aming panawagan: PABILISIN ang PAGLABAS ng KUMPREHENSIBONG STATUS ng COVERAGE ng LSBDA!

 

Dalawampu’t isang CLOA Holders sa Ormoc nag-install ng kanilang sarili upang mabawi lamang ang lupa. Dalawampu’t isang CLOA Holders ang hanggang ngayon ay humingi ng proteksyon at pag gitna ng DAR upang mapaalis ang mga illegal occupants sa kanilang lupa. Lamang ay tila mas mahalaga ang mga kagamitan sa loob ng opisina kaysa sa dalawpu’t isang CLOA Holders; tila walang halaga ang karapatan ng mga CLOA Holders kung kaya’t mas mabilis na naglagay ng mga pulis, military at barangay sa kampo namin ngayon. Ang aming panawagan: SILUTAN ang mga CARP OBSTRUCTERS at MAGLAGAY ng DETACHMENT sa 25 has. hagna sa Brgy. Matica-a, Ormoc.

 

Nakalulungkot na kaming mga parag-uma ay itinuturing na banta sa seguridad ng DAR Region 8 upang gamitan ng lakas ng pulis at militar. Tila lumalabo ang vision ng DAR – “A nation where there is equitable land ownership and empowered agrarian reform beneficiaries who are effectively managing their economic and social development for a better quality of life.” “

Comments are closed.