popefrancis_katarungan2
Landless Yolanda Survivors: “Pope Kiko, help us realize our dreams”
January 16, 2015
katarugnan-selfinstallation4
BFA-KATARUNGAN Self Installation
April 30, 2015
denr2015e

IKA-23 ng PEBRERO, 2015, Quezon City – Mahigit sa 50 lider magsasaka ng Kilusan para sa Repormang Agraryo at Katarungang Panlipunan (KATARUNGAN) mula sa Leyte at Negros Occidental, mga probinsyang tinamaan ng bagyong Yolanda nuong 2013 ang kasalukuyang nagkakampo sa tapat ng Department of Agrarian Reform (DAR) para hilingin kay Secretary Virgilio de los Reyes ang mga kasagutan sa matagal nang nakabinbin na mga isyu sa lupa.  Bunsod sa kawalan ng mga dokumentong magpapatunay na sa kanila ang lupang sinasaka ay lubhang nahirapan ang mga Yolanda Survivors sa pag akses ng mga tulong mula sa mga ahensiya ng gobyerno at iba pang organisasyon na nagbibigay ng rehabilitasyon sa mga bayang nasalanta ng bagyong Yolanda.

 “Matapos ang Yolanda, mas mabigat ang hinaharap namin ngayon, ang Yolan-DAR! Mas marami kaming mga casualties dito,” ayon kay Manuel Cayubit, lider magsasaka sa Barugo, Leyte patungkol sa kawalan ng katugunan ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa mga hindi ipinamamahaging Certificate of Land Ownership Award (CLOA).  Ayon sa mga lider magsasaka, nuong taong 2008, ang DAR Region 8 ay nag report ng kumpletong pamamahagi ng mahigit sa 11,000 CLOAs sa mga benepisyaryo sa bayan ng Alangalang, Barugo, Jaro at Ormoc sa probinsya ng Leyte.  Samantalang sa lupaing sakop ng Leyte Sab-A Basin Development Authority (LSBDA) sa munisipyo ng Alangalang, mahigit sa 1,500 na benepisyaryo pa ang matagal nang naghihintay ng resolusyon sa di-malamang kadahilanan sa hindi pag-usad ng pamamahagi ng lupa at pag isyu ng kanilang mga CLOA. Sa Ormoc at Negros Occidental, mahigit pa sa isang dekada na rin ang paghihintay na ma-install ng mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARB) na may hawak na ng kanilang CLOA.  

Malungkot na gugunitain ng mga magsasaka ang papalapit na anibersaryo ng EDSA People Power Revolution dahil, ayon na rin sa obserbasyon ni Villamor ‘Bro” Ureña, lider magsasaka sa Alangalang, “ang Repormang Agraryo sa panahon ni PNoy, sadyang ‘di uman-DAR.” Umasa ang mga “boss” ni PNoy na sa kanyang pamumuno ay masiglang maipapatupad ang batas na umiiral sa ngayon.

Ayon sa KATARUNGAN, isang kilusang masa sa Luzon, Visayas at Mindanao na nagtutulak ng repormang agraryo, dahil sa kawalan ng mabilis na pagtalima ng DAR sa mga problema ay lalo lamang nalubog ang mga magsasaka sa kahirapan.  Bukod pa sa mga isyung nabanggit ay ang pinakamalaking tanong ukol sa kanselasyon ng mga CLOA sa Negros Oriental ng walang due process, kasama na ang mga CLOAs ng Sta. Cruz Multi-purpose Cooperative, na isang model agrarian reform beneficiaries cooperative. Ang pagkansela ng CLOA ay isang tahasang paglabag sa probisyon ng Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reform (CARPER) kung saan ay isinasaad na ang mga na-isyu nang CLOA at Emancipation Patent (EP) ay isa nang “indefeasible and imprescriptible” na instrumento ng batas matapos ito ay mai-rehistro na. Mapanganib ang pagkansela ng CLOA sapagkat hindi man lamang ipinaalam sa mga CLOA-holders na ang kanilang titulo ay kinakansela na. Ito ay malinaw na paglabag sa due process. Kaya palang kanselahin ng DAR ang lahat ng mga CLOA sa bansa ng hindi ipinaaalam sa magsasaka, Napakataas ng kapangyarihan ng DAR pagdating sa CLOA cancellation pero tila wala namang kakayahan na mabilis na ipamahagi ang mga lupa. Ilan pang pang mga probisyon ng batas ang lalabagin ng DAR, tanong pa ng mga magsasaka.

Sa inaasahang pagharap ni Sec. de los Reyes, iisa lamang ang gustong marinig ng mga magsasaka at ito ay ang tiyak na resolusyon sa mga isyung nabanggit.

denr2015a denr2015b denr2015c denr2015d denr2015f denr2015g denr2015h

Comments are closed.